Sunday, February 17, 2013

B.M., or Before Mining


Si Woodritz F. Rabino, taga-Simara, ay nag-aaral upang maging titser. Gagradweyt na siya ngayong Marso. Sa Facebook ko siya nakilala noong mag-post ako tungkol sa mga aksidente sa mga minahan.

Ang sabi ko kasi, nitong nakaraang linggo, halos sunod-sunod ang mga aksidente na nangyayari sa mga minahan na ipinagbuwis ng buhay ng mga minerong walang kahina-hinala na ang kanilang hanapbuhay ay balot nang pangamba at banta ng kalagim-lagim na kamatayan.

Noong Febrero 1, bandang alas-11:00 ng umaga, si Jaime Fernandez, 55, at nakatira sa P-1 Gamaon District sa Mangagoy, Lungsod Bislig, ay natabunan ng putik nang gumuho ang isang tunnel sa isang small-scale na minahan ng carbon. Agad siyang binawian nang buhay. Lasog-lasog ang mukha at katawan nang mahukay ang kaniyang bangkay. Isa pang iligal na minero, si Jose Garay, 51, ng P-5 Brgy. Cumawas, Lungsod Bislig, ang kasama niyang nabaon sa putik ngunit himalang nakaligtas. Si Garay ay empleyado ng gobyerno.

Nito namang nakalipas na linggo, Febrero 14, gumuho ang kanlurang dingding ng Panian pit mine ng Semirara Coal and Mining Corporation sa Semirara Island, sakop ng Caluya, Antique. Patay kaagad ang limang minero, tatlo lang ang nakaligtas, at lima pa ang nawawala habang sinusulat ko ang pitak na ito.

Ang sabi ko, palapit nang palapit sa Romblon ang aksidente sa minahan, ngunit ipinagdarasal ko noon pa na sana ay huwag mangyari ito sa ating mga kababayan.

Doon sumagot si Woodritz. Ang sabi niya: "Masunor rey ka Sibuyan." Susunod na ang Sibuyan. Mali si Woodritz. Mali din ako.

Sa site ko sa FB ay may isang Romblomanon na nagsabi na hindi totoong papalapit na ang aksidente sa mina sa Romblon. Ayon sa kaniya, ang kinatatakutan kong aksidente ay matagal nang nangyari at talagang naririto na sa lalawigan. Sa Asi: "Haliy sa Romblon." Di na kailangan pang hintayin o ipagdasal na sana'y huwag mangyari dahil nangyayari na.

Sinabi pa ng aking source ang detalye nang bagay na ito.

I have no reason to doubt the veracity of the information and the integrity of my source who will remain nameless at the moment for reason of confidentiality.

What the source was referring to is the continued proliferation of illegal small-scale gold mining in Magdiwang, particularly in the three Barangays of Ipil, Tampayan, and Dulangan, which the public has only a very faint suspicion about. But which is also public knowledge.

We don't know what's truly happening in Magdiwang and, therefore, we are being had. Pinaiikot lang tayo sa tsubibo.

On or about the third week of September in 2012, seven Magdiwang citizens--a grandfather, a father, two mothers, and three children, all male, aged 18, 16, and five--fell sick and were rushed to the Romblon Provincial Hospital under a cloud of utmost secrecy.

Ang dahilan: lahat sila ay biktima ng pagkakalason ng mercury, ang iligal na kemikal na ginagamit sa pagmimina ng ginto sa Magdiwang. Lahat ay iisa ang sintomas--nanghihina ang katawan at nanginginig. Sumasakit ang ulo. May slurred speech, narrowing of vision, at nabibingi.

Walang dahilan upang magduda na hindi alam ng punong-bayan ng Magdiwang, si Ibarra Manzala, ang pangyayaring ito. Walang dahilan upang pagdudahan na hindi alam ni Gob. Lolong Firmalo ang pangyayaring ito. Pitong biktima ng mercury poisoning sa isang lalawigan na katulad ng Romblon ay isang kahindik-hindik na pangyayari. Isang eskandalo dapat. At walang nakakaalam? Alam nga na nagmimina si Dr. Jose Cabrera sa kabundukan ng Odiongan sa boundary ng Looc, ngunit walang sumisita o nagpapatigil. Bakit kaya?

Kaya ang pagdududa ay may batayan, dahil nakalkal ng ating source ang tunay na pangyayari. Nakuhanan ng retrato ang mga biktima. Nakita nang personal. Nainterbyu. Makalipas ang ilang araw, gumaling din sila, ngunit sang-ayon sa ating source, pagbalik na pagbalik sa Magdiwang ay nagmina na uli.

Kaduda-duda na ang pitong biktima ay pinagsabihan na itikom ang bibig. Naka-zipper ang mga ito at hindi pinagsalita maging sa media. Nino?

Maging ang mga doktor sa hospital ay ayaw magsalita. Pati nars. May mga pangalan ba sila? Meron. Kanino nanggaling ang utos na huwag magsalita? Sino ang gumastos sa pagpapa-ospital?

Mabababaw na mga tanong? Hindi. Umpisa pa lang ito ng pagbubunyag nang anomalya ng pamamahala at pagtrato sa mamamayan ng Romblon na nagiging biktima ng sakuna o aksidente na gawa ng tao. Ang gawain ng pagpapabaya sa kalunos-lunos na katotohanang bagaman may executive order ang ating gobernador na walang dapat magmina sa Romblon, harap-harapan naman ang paglabag dito sa Magdiwang.

In your face ito. Kesehodang anuman ang sabihin, sulatin, o ibrodlkas, bahala na si Batman. Ganoon ba, Mayor Manzala, ang nangyayari sa bayan mo? Itinatago ang bad news at pogi points lang ang dapat lumabas?

Noong Enero 2011, may nagsagawa ng toxic test sa hangin ng Magdiwang upang malaman ang lawak ng polusyon ng hangin at tubig sa naturang bayan. May kopya ng resulta ng test ang ating source. Malala, ayon sa kaniya, ang sitwasyon. May dapat bang ipagduda na hindi alam ng lokal at panlalawigang pamahalaan ang katotohanang ito?

Kung alam, ano ang ginagawa? Kung hindi alam, bakit? Ayaw malaman dahil baka maalarma ang taumbayan at mag-aklas. O kaya'y tumalikod at hindi sila iboto?

Ang sabi ng ating source, napakahalaga ngang malaman ng lahat ng Romblomanon ang nangyayari sa Magdiwang upang makapaghanda at makagawa ng hakbang upang matigil na ang pagkalason ng hangin at tubig sa naturang bayan.

Iisa lang ang alam kong paraan. Ngayon din ay dapat itigil ang pagmimina ng ginto. Ngayon din ay dapat ipatigil ni Gob. Lolong at ni Mayor Manzala ang paggamit ng mercury sa mga ballmill upang mapino ang gintong nanggagaling sa lupa ng Magdiwang. Ano ang pumipigil sa kanila?

Alam ko na ang sagot ng ating mga opisyal. "What is the livelihood alternative that you propose if we stop all mining activities in Magdiwang?"

I have a ready answer: I don't know, Mayor Manzala. I don't know, Gov. Firmalo. You tell me. You are the responsible officials. That's why you were elected in the first place. To help people rise from scratch to a life of decency. So, don't ask writers what to do. We know what we do. We tell the truth. We tell things as we see them.

The argument that I often hear, that we need to propose livelihood alternatives to the small-scale miners in Magdiwang before we can stop this environmental rape, will not wash. It can be answered by a simple question, really.

What do the people of Magdiwang, of Romblon, do to live B.M., or before mining, when the Magdiwang environment was still pristine because some of its politicians are not of the worse kind as they are today?

Don't they fish, or farm, or trade, for a living? Were they not alive even B.M., before mining, when the rapacious and methodical destruction of all things natural in Mother Earth changed the character and behavior of some of our politicians?

B.M., before mining, were not the people of Magdiwang, and of Romblon, lovers all of their natural environment off whose bounty they lived peaceful lives until the intrusion into their shores of the miners who snuffed out Armin Marin's life? Tell me.

Sakmal ng lagim ang pagkakalason ng mercury. Kaya nga bawal ito kahit sa termometro. Sa bansang Hapon ay may lugar na kung tawagin ay Minamata, from whose name the Minamata disease was derived. Minamata is a pollution disease, discovered in 1956, caused by the entry of methyl mercury in the body. It attacks the central nervous system, including the brain. It is a deadly disease, but not contagious, and can be caused by eating large quantities of fish and shellfish from mercury-polluted waters.

Kaya para kay Woodritz Rabino, totoo ang pangamba mo na baka susunod na ang Magdiwang sa tatamaan ng aksidente dahil sa mina. Ngunit kung mababasa mo ito, maniwala ka, may aksidente nang nagaganap, at mas malala pa sa iniisip mo.

Ang aksidente ay narito na. Hindi lang napapansin, dahil pilit tinatabunan. At pilit na itinatago.

Ngunit maniwala ka, Woodritz, may kasabihan ang ating mga ninuno. Lahat nang itinatago, may baho.

Sa ngayon, unti-unti nang umaalingasaw ang amoy ng pusali ng kapalpakan sa ating lalawigan pagdating sa pagma-manage ng isyu ng mining. Kaya dapat tayong maging mapagbantay. At mapanuri.